^

Police Metro

Pag-aalboroto ng Ma­yon, patuloy pa rin – Phivolcs

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nananatiling nakataas sa Alert Level 3 ang estado sa Mt. Mayon sa Albay matapos ang patuloy na pagtaas ng mga aktibidad nito.

Sa tala ng Phil Volcano­logy and Seismoloy (Phivolcs) sa loob ng nagdaang 24-oras, nagkaroon ang Bulkang Mayon ng 100 volcanic earthquakes kabilang na ang isang ashing event at 58 volcanic tremor events na may tagal na isa hanggang 13 minuto na ang ilan dito ay sinabayan ng ma­i­ngay na  mga pagdagundong mula sa bulkan.

Nagtala rin ang bulkan ng 201 rockfall events, pitong pyroclastic density current events at pagluwa ng may 888 tonelada ng asupre.

May katamtaman ding emission mula sa bulkan na may taas na 800 metro patungo sa direksyon ng si­langan timog silangan bu­kod sa pangmatagalang deflation ng edifice at maik­ling deflation sa eastern sector.

Nagkaroon naman ng mabagal na effusion ng lava flow mula sa crater ng bul­kan na may habang 3.4 kilometer (km), 2.8 km at 1.0km sa may Bonga, Mi-isi, at Basud Gullies gayundin ng lava collapse na may 4km mula sa crater ng bulkan.

Bunsod nito, ipinagbabawal pa rin ang pagpasok ng sinuman sa  6-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) at pagpapalipad ng aircraft malapit sa bulkan dahil sa banta ng mga rockfalls, landslides, ballistic fragments, pag-agos ng lava fountaining, pyroclastic density currents, moderate-sized explosions at pag-agos ng lahar kapag makakaranas ng malalakas na ulan.

ALERT LEVEL 3

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with