^

Police Metro

Diskwento sa singil sa kuryente inilarga ng MORE

Gemma Garcia - Pang-masa
Diskwento sa singil sa kuryente inilarga ng MORE
Meralco linemen check the electric meter base at a post along Barangay Commonwealth in Quezon City on May 9, 2023.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Sa hangarin na maabot ang mas maraming Pantawid Pamilyang Pilipino Program(4Ps) members at marginalized sector, nagdeploy ng personnel ang More Electric and Power Corporation (More Power) sa mga barangay para tumanggap ng aplikasyon para mabigyan ng diskwento sa singil sa kuryente o ang lifeline rate subsidy sa ilalim ng Epira Law.

Ayon kay More Power President at CEO Roel Castro, layon ng kanilang ginawang hakbang na matiyak na mas mapalapit sa marginalized group ang lifeline rate subsidy at ma­rami ang maka-avail nito.

“In addition to accep­ting applications in our office, we also deploy personnel to barangays for on-site registration,”pahayag ni Castro kung saan hanggang nitong Agosto 2 ay nasa 1,519 aplikasyon na ang kanilang natatanggap mula sa 42 barangay.

Inabisuhan nito ng mga consumers na palagian lamang bisitahin ang kanilang official Facebook page para sa petsa at lugar ng barangay on-site re­gistration.

Ang full rollout ng aplikasyon para sa subsidy ay pinalawig ng DOE hanggang sa buwan ng Set­yembre dahil sa mababang turnout ng aplikasyon.

Hinimok ni Castro ang mga eligible applicants na samantalahin ang maaa­ring makuha na diskuwento lalo at mas pinalapit na ng More Power sa mga residente ang aplikasyon.

Sa ilalim ng bagong polisiya ng Enhanced Lifeline Subsidy na ipinalabas ng Department of Energy (DOE), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Energy Regulatory Commission (ERC), ang mga 4Ps members gayundin ang marginalized sector na kumukunsumo ng mas mababa sa 100Kwh kada buwan ang eligible na sa subsidy.

MORE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with