^

Police Metro

MRT-3, naghain muli ng petisyon para sa taas-pasahe

Mer Layson - Pang-masa
MRT-3, naghain muli ng petisyon para sa taas-pasahe
Commuters queue for a ride at the MRT-3 North Avenue Station in Quezon City on Monday morning, March 28, 2022.
The STAR / Miguel de Guzman, File

MANILA, Philippines — Muling naghain kaha­pon ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng petisyon para sa taas-pasahe sa Rail Regulatory Unit (RRU) ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon kay DOTr Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, siya ring officer-in-charge ng MRT-3, layunin ng petisyon na maitaas ang kanilang boarding fare sa P13.29, mula sa dating P11 lamang, o dagdag na P2.29.

Hiniling rin umano nila sa petisyon na mapahintulutan silang maitaas ang distance fare ng mula P1 kada kilometro at gawin itong P1.21 kada kilometro.

Sinabi naman ni DOTr Undersecretary for Railways Cesar Chavez na ina­asahan nilang maila­labas ang desisyon sa kanilang petisyon matapos ang dalawang buwan.

Ani Chavez, tulad ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2), wala ring fare adjustment ang inaprubahan para sa MRT-3 sa nakalipas na walong taon.

Ang pasahe sa MRT-3 sa kasalukuyan ay nasa mula P13 na minimum hanggang P28 na maximum.

Noong nakaraang buwan naman, inianunsiyo ng DOTr na pinahintulutan na ang taas-pasahe sa LRT-1 at LRT-2, simula sa Agosto 2.

FARE HIKE

MRT 3

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with