AFP Colonel natagpuang patay sa Camp Aguinaldo
MANILA, Philippines — Isang abogadong Colonel ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang natagpuang patay sa loob ng quarters nito sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Kinilala ni Col. Margareth Padilla, Spokesperson ng AFP ang biktima na si Colonel Rolando Escalona Jr., na nadiskubre ang bangkay nitong madaling araw ng Biyernes.
Ang biktima ay may tama ng bala kung saan inaalam na ng mga otoridad kung ang bala at ang baril na natagpuan sa lugar ay magtutugma at inaalam na rin kung si Escalona ang may-ari ng armas.
Ayon kay Padilla, kasalukuyan na silang nakikipagkoordinasyon sa Philippine National Police upang imbestigahan ang pagkamatay ni Escalona.
Ipinaabot naman ni Padilla sa pamilya ni Ecalona ang pakikiramay ng AFP sa pagkamatay ng biktima na isang abogado na nakatalaga sa Judge Advocate General Service Office (JAGO) sa AFP na ang nominasyon sa ranggo nito ay inaprubahan ng Commission on Appointments nito lamang Marso 2021.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa kasong ito upang alamin kung may naganap na foul play.
- Latest