P33 milyong ayuda para sa mga biktima ng Mayon, inaayos na
MANILA, Philippines — Bunga ng nagbabadyang mapanganib sa malakas na pagsabog ng Mayon Volcano sa Albay ay isinasaayos na nina House Speaker Martin Romualdez at Tingog Partylist Rep. Yedda Marie Romualdez ang nasa P33 milyong halaga ng ayudang cash at relief goods upang ipamahagi sa mga residente na inilikas mula sa Permanent Danger Zone (PDZ).
Ayon kina Romualdez at Tingog Partylist Reps.Yedda Marie at Jude Acidre, bahagi ng nasabing ayuda ay tig-P1-M na alokasyong ibibigay nila sa bawat isang distrito ng Albay.
Ang P30-M ay magmumula naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng ahensiya kung saan nakipag-usap na si Romualdez kay Secretary Rex Gatchalian para sa pagpapalabas ng nasabing pondo.
Kabilang naman sa makakatanggap ng ayuda mula sa tanggapan ng Office of the Speaker ay ipaabot sa pamamagitan ng tatlong distrito sa lalawigan ng Albay.
Sinabi ni Romualdez na ang P1-M ayuda sa bawat distrito ng Albay ay hahatiin sa P500,000 cash at P500,000 relief packs mula sa personal na Disaster Respond Fund.
- Latest