^

Police Metro

Pulis patay nang umawat sa away-lupa

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang pulis ang nasawi habang sugatan ang isang residente matapos barilin nang ito ay umawat sa away- lupa sa pagitan ng dalawang panig sa Brgy. Palanas, Paracale, Camarines Norte, kama­kalawa ng hapon.

Isang tama ng bala sa sintido ang tumapos sa buhay ni Police Senior Master/Sgt. ”Alcana”, 45, may-asawa, residente ng Brgy. Del Rosario, Mercedes, Camarines Norte at nakatalaga sa Regional Intelligence Division 5 ng Camp Gen. Simeon Ola.

Habang nasugatan sa tiyan ang isang “Boy” na kaalitan ng namaril na suspek na si “Loloy” na tinutugis na ng mga pulis.

Sa ulat, alas-2:15 ng hapon habang nagsasagawa ng “intelligence gathering” si Alcana sa lugar nang makita nitong nagtatalo sina “Boy” at “Loloy” dahil umano sa iligal na pag-ukupa ng una at mga kasama sa lupain na hindi pa malaman kung sino ang may-ari.

Nagalit umano si “Boy” dahil sa kinukunan ni “Loloy” ng video at tinangkang agawin ang cellphone ng huli dahilan para bumunot ito ng baril at binaril sa tiyan si Boy. Tinangkang lumapit at nagpakilalang pulis ang naka-sibilyang si Alcana para sana umawat pero walang kaabug-abog na binaril din ito ni Loloy sa ulo.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with