^

Police Metro

22K pulis inalerto vs Bagyong Betty

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa posibleng pagtama ng malakas na bagyong Betty sa bansa sa mga susunod na araw ay inalerto ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga police regional offices.

Ayon kay PNP Public Information Office chief BGen. Redrico Maranan, naglabas ng kautusan si PNP chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. na tiyaking magiging mabilis ang responde ng mga pulis sa mga sibilyan na maaapektuhan ng bagyo.

Aabot sa 22,000 pulis ang ipakakalat upang rumes­ponde sa mga emergency situation.

Sa katunayan, naka-preposition na rin ang kanilang kagamitan para sa pag-rescue sa mga maaapektuhan ng bagyo gayundin ng mga pagbaha.

Kailangan umanong handa na ang mga kakailanganin upang mas marami ang maisalba sakaling bumuhos ang bagyo.

Nakikipag-ugnayan na rin ang PNP sa mga local government unit para sa ginagawang paghahanda at anu­mang mga pangangailangan.

Sa panahon aniya ng mga kalamidad, kailangan ang tulong ng bawat isa.

Pinayuhan din nito ang mga pulis na maging maingat upang mas maayos na makapagserbisyo.

vuukle comment

BAGYO

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with