Comelec nagtakda ng palugit sa party-list applications para sa 2025 elections
MANILA, Philippines — Nagpaalala kahapon ang Commission on Elections sa political parties at party-list hinggil sa December 29, 2023 deadline para sa application of registrations para sa 2025 national at local elections.
Ayon sa Comelec, ang registration reception ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes ng alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon maliban tuwing holiday.
“All groups intending to register as a Political Party, a Coalition of Political Parties, or a National, Regional, or Sectoral Group or Organization to Participate in the Party-List System of Representation must ensure strict compliance with the guidelines outlined in Comelec Resolution No. 10673,” sabi ng Comelec.
Ang nasabing resolusyon ay nagtatakda ng mga alituntunin sa electronic filing at pagsasagawa ng mga pagdinig, pagsisiyasat, at pagtatanong sa pamamagitan ng video conference.
Maaaring tumawag ang mga registrants na may katanungan sa Office of the Clerk of the Commission — telephone: 02-8527-3002 o 02-8527-2770; email: [email protected].
- Latest