^

Police Metro

7 Vietnamese tiklo sa pagbebenta ng ‘laughing gas’

Danilo Garcia - Pang-masa
7 Vietnamese tiklo sa pagbebenta ng ‘laughing gas’
Ayon sa mga waiter ng club na hindi nila alam na ang dalang mga lobo ng mga ito ay naglalaman ng “laughing gas”.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pitong Vietnamese nationals ang ­inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pagbebenta ng nitrous oxide o laughing gas na nakalagay sa mga lobo sa isang club in Pasay, kamakalawa ng umaga.

Ayon sa mga waiter ng club na hindi nila alam na ang dalang mga lobo ng mga ito ay naglalaman ng “laughing gas”.

Nagsisilbi lang sila ng pagkain at inumin sa kanilang mga customer habang ang mga nasabing Vietnamese employees ay siyang naghahanda ng mga lobo.

Inamin ng isa sa mga waiter na nagkaroon siya ng kuryusidad kung bakit sinisinghot ng mga customer ang hangin sa loob ng mga lobo sabay sa pag-inom ng alak.

Napansin din niya na ang ilang customer ay napakasaya, pero hindi siya sigurado kung ito ay ininom na alak o ang laman ng lobo.

Kinumpiska na ng mga NBI ang oxide tanks at ang mga gamit na mga loob ng club habang ang may-ari nito ay patuloy na nakakalaya bagamat kilala na ang pangalan nito.

Nakatakdang kasuhan ang may-ari ng club at 7 Vietnamese ng paglabag sa Presidential Decree No. 1619, na nagbabawal sa paggamit, possession, o hindi otorisadong substances.

Nabatid na ang nitrous oxide is typically ay ginagamit bilang  anesthetic sa medical at dental clinics na ginagamit din bilang recreational drug na kalat na sa ibang bansa.

Nakikipagtulungan na rin ang NBI sa Bureau of Immigration para sa posibleng pagpapa-deport ng mga nasabing foreign nationals na sangkot sa kaso kabilang na ang mga emplayedong mananayaw. Samantala, kakasuhan din ang security guard ng club dahil sa hindi lisensyadong baril.

VIETNAMESE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with