Patay sa baha, ulan umakyat na sa 27
MANILA, Philippines — Umakyat na sa 27 katao ang naitalang nasawi habang nasa 11 naman ang naitalang sugatan dahilan sa shear line na nagdudulot ng malalakas na pag-ulan sa mga apektadong lugar sa bansa simula noong ika-2 araw ng Enero.
Base ito sa monitoring sa shear line ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) noong Sabado na nagdudulot ng masamang lagay ng panahon. Ang shear line ay ang pinagsamang init at lamig ng panahon.
Sa datos ng NDRRMC, kabilang sa mga casualties ng shear line ay mula sa mga rehiyon ng Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan), Bicol Region, Eastern Visayas, Western Visayas, Central Visayas at Zamboanga Peninsula.
Gayundin mula sa Northern Mindanao, Davao Region, SOCCSKSARGEN (South Cotabato, Cotabato City, Sarangani, Sultan Kudarat, General Santos City) at Bangsamoro Autononomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Pinag-iingat ng NDRRMC ang mga residente partikular na ang mga residente ng Eastern Visayas dahilan isa pang LPA ang nagbabanta sa bansa na namataan sa layong 125 kilometro sa silangang bahagi ng Maasin City, Southern Leyte.
- Latest