^

Police Metro

Ex-Maguindanao Gov. Sajid Ampatuan guilty sa graft, falsification

Joy Cantos - Pang-masa

Hindi nakadalo dahil may ‘gout’

MANILA, Philippines — Hinatulang guilty kahapon ng Sandiganbayan si dating Maguindanao Go­­vernor Sajid Ampatuan sa kasong 8 counts ng graft at falsification of public do­cuments kaugnay ng P22.364 ghost projects sa imprastraktura sa panahon ng termino nito.

Sa promulgasyon ng kaso, hinatulan si Ampa­tuan ng 5th Division ng Sandiganbayan ng pagkakakulong ng anim hanggang 8 taon sa bawat kaso ng graft at 2 hanggang 6 taong pagkakakulong sa bawat kaso ng falsification­ of public documents.

Bukod kay Sajid ay napatunayan ding guilty sa kaso sina  Engineers Yahiya Kandong, Omar Camsa, Jaypee Piang, Anthony Kasan at Akmad Salim.

Ang kaso ay nag-ugat sa ghost projects sa panahong si Ampatuan pa ang gobernador ng Maguindanao sa maanomalyang proyekto sa imprastraktura tulad ng farm-to-market roads, ghost purchases of fuel mula sa gasoline station na pag-aari ng kapatid ni Sajid na si Andal Ampatuan Jr.

Nabigo namang maka­dalo sa promulgasyon ng kaso si Ampatuan na ipinaaresto ng anti-graft court matapos naman ang mosyon ng prosekusyon sa pag-iisyu ng warrant of arrest.

Ikinatwiran ng legal counsel ni Ampatuan na ang kan­­yang kliyente ay nasa Maguin­danao dahilan sa ina­atake ito ng ‘arthritic gout’ kung saan magsusumite sila ng medical certificate para dito.

Binanggit ng korte sa ibinabang desisyon ang report ng Commission on Audit (COA) hinggil sa umano’y mga kalsadang isinailalim sa rehabilitasyon­ na walang naging accomplishments o pagbabago.

Kaugnay nito, pinagba­bayad din ng Sandiganbayan si Sajid ng P22.367-M bilang civil indemnity sa pamahalaang panlalawi­gan ng Maguindanao at P5,000 mula sa bawat counts ng falsification ng dokumento sa nasabing ghost projects.

SAJID AMPATUAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with