Pulis-Caloocan guilty sa pag-torture at pagpatay sa 2 kabataan
MANILA, Philippines — Hinatulan ng guilty ng Caloocan Regional Trial Court ang pulis na nag-torture at pagtatanim ng ebidensya na dawit sa pagpatay sa mga kabataang sina Carl Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman noong kasagsagan ng madugong giyera kontra droga ng administrasyong Duterte.
Nagpasya ang Caloocan City Regional Trial Court Branch 122 na si Patrolman Jeffrey Perez ay “guilty of beyond reasonable doubt” sa lahat ng krimeng isinampa laban sa kanya.
Ayon sa korte, nilabag ni Perez ang Section 4 at 14 ng Republic Act 9745 o ang Anti-Torture Act of 2009 kina Arnaiz at De Guzman.
Hinatulan din na nagkasala si Perez sa pagtatanim ng ebidensya sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa kaso ni Arnaiz.
Reclusion perpetua o hanggang 40 taong pagkabilanggo ang kaparusahang ipinataw ni Presiding Judge Rodrigo Pascua Jr. kay Perez para sa pagpapahirap kay De Guzman at pagtatanim ng ebidensya sa kaso ni Arnaiz.
Inatasan din ng Korte si Perez na bayaran ang pamilya nina Arnaiz at De Guzman ng moral damages na P1 milyon at exemplary damages na P1 milyon, o kabuuang P2 milyon kada tagapagmana ng mga biktima.
- Latest