^

Police Metro

Mga biktima ni ‘Paeng’ maaari nang mag-avail ng calamity loans sa Pag-IBIG

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng pamunuan ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG na maaari na umanong mag-avail ng ca­lamity loan ang mga na­apektuhan ng pananalasa ng bagyong Paeng.

Ayon kay Pag-IBIG Fund public affairs ma­nager Jack Jacinto, aabot sa 344,000 miyembro ng Pag-IBIG ang naninirahan sa mga lugar na sinalanta ni Paeng.

Sinabi ng opisyal na ang loanable amount sa ilalim ng calamity loan program ay hanggang 80% ng savings ng miyembro at mayroong interest rate na 5.95% per annum.

Maaari aniyang bayaran ng miyembro ang natu­rang loan sa loob ng tatlong taon.

Kuwalipikado aniyang mag-aplay ng calamity loan ang mga aktibong miyem­bro na may 24 buwang ha­laga ng kontribusyon sa Pag-IBIG Fund.

Kabilang sa mga requirements sa pag-avail ng loan ay ang filled up at signed application form ng nag-a-aplay na miyembro na sinertipikahan ng em­ployer nito.

Ang mga self-employed­ members naman aniya ay kailangang magprisinta ng kanilang proof of income.

Kailangan rin umano ng aplikante na magpri­sinta ng balidong ID, gayundin ang kanyang Pag-IBIG Loyalty Card Plus o cash cards ng Landbank, Development Bank of the Philippines, at United Coconut Planters Bank, kung saan idedeposito ang maaaprubahang halaga ng loan. - Angie dela Cruz

vuukle comment

HOME DEVELOPMENT MUTUAL FUND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with