^

Police Metro

Ex-PNP chief bilang DOH Usec, ok kay Vergeire

Ludy Bermudo - Pang-masa
Ex-PNP chief bilang DOH Usec, ok kay Vergeire
Undated file photo shows then-Police Lt. Gen. Camilo Cascolan.
The STAR/File photo

MANILA, Philippines — Naniniwala si Department of Health (DOH) Officer in charge Maria Rosario Vergeire na kuwalipikadong umupo sa ahensiya si dating Philippine National Police chief Camilo Cascolan.

“I think he is very qualified naman dun sa kaniyang mga credentials na nakalagay diyan,” wika ni Vergeire.

“Meron naman ho tayong mga trabaho dito na kailangan din natin ta­laga for operations,” dug­tong pa ng officer in charge ng DOH.

Inulan ng batikos ang pagkakatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Cascolan bilang undersecretary ng DOH dahil sampal at insulto raw ito sa mga medical worker.

Pero, ayon kay Vergeire, prerogative ng Pa­ngulo na magtalaga ng si­numan sa DOH kahit walang medical degree.

Samantala inamin  ni Vergeire na kailan man ay hindi siya inalok ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos na maging kalihim ng ahensiya.

“No, honestly. It was not offered. I was asked to be an OIC (officer-in-charge),” wika ni Vergeire sa interview ng ANC nitong Huwebes.

Kapag tinalaga siyang DOH secretary, mapipilitan siyang umalis sa puwesto pagkatapos ng termino ni Marcos sa 2028 o kaya ay mas maagang mawawala kapag nasibak sa trabaho.

Kung mananatiling un­ders­ecretary ay bababa na lamang ito sa puwesto kapag sumapit sa retirement age.

CAMILO CASCOLAN

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with