Melai,tinulungan mga tindera sa palengke
MANILA, Philippines — Ibinahagi ng TRABAHO Partylist sa kanilang opisyal na Facebook page nitong Lunes ang video kung saan makikitang binigyan ng plataporma ni celebrity mom Melai Cantiveros-Francisco ang mga nagtitinda ng karne sa Mutya ng Pasig Mega Market na maipahayag ang kanilang mga suliranin sa paghahanapbuhay. Nagpakilala sa pangalan na John at Warren, idinaing nila na ang mataas na presyo ng mga bilihin, tulad ng kanilang ibinebentang karne, ay isa sa kanilang mga suliranin dahil pinapahina nito ang kanilang benta. Ang tumataas na presyo ng mga sariwang karne ay nagtutulak rin umano sa mga mamimili na piliin ang mas murang alternatibo- ang mga karneng imported at frozen.
Sa harap mismo ng mga nominee ng TRABAHO, bilang 106 sa balota, dininig ang kanilang mga kinakaharap na pagsubok upang ito ay maaksyunan, at maisama sa legislative agenda ng grupo.
Hinimok din ni Melai ang mga nominee na ipaliwanag ang kanilang mga isinusulong upang maintindihan din nila Warren at John ang kahalagahan ng legislative agenda at paano ito makakatulong sa kanila.
Hindi napigilang purihin din ng grupo si Melai sa kanyang ginawang paglalapit sa TRABAHO at mga naghahanapbuhay sa palengke sa Pasig. “Siya [Melai] ay may puso ng mapagmahal na ina at ng Pilipinong may tunay na malasakit para sa kapwa manggagawa,” pahayag ng TRABAHO.
- Latest