^

Police Metro

Mag-asawa, 10-anyos anak patay sa pamamaril

Christian Ryan Sta. Ana - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Isang mag-asawang negosyante at kanilang 10-anyos anak na babae ang nasawi nang sila ay pagbabarilin ng apat na kalalakihan sa loob ng kanilang tindahan sa Purok 5, Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija, kamakalawa ng hapon.

Hindi muna pinangalanan ng pulisya ang nasa­wing mag-asawa na ang lalaki ay isang 55-anyos, habang ang babae ay 52-anyos.

Ayon sa ulat, ala-1 ng hapon ay nasa loob ng kanilang tindahan ang mga mag-anak nang biglang dumating ang apat na lalaking sakay ng dalawang motorsiklo.

Nagkunwari umanong mga kostumer ang apat na suspek at doon isinagawa ang pagpatay sa mga biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo.

Agad nahuli ng pulisya ang isa sa apat na suspek na kinilalang si Joey Fernandez Marcelo ng bayan ng San Leonardo.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with