^

Police Metro

‘Functional government’ nabuo ni Pangulong Marcos sa unang 100 araw

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matagumpay niyang napagsama-sama ang “functional government” na kinabibilangan ng “best and the brightest Cabinet members” sa kanyang first 100 days sa tanggapan.

Sinabi ni Marcos na labis siyang nagpapasa­lamat sa mga miyembro ng kanyang Gabinete, partikular sa kanyang mga economic manager, para sa kanilang pagsisikap na maglagay ng mga plano para sa post-pandemic na ekonomiya.

Sinabi ni Marcos na ang kanyang unang 50 hanggang 100 araw sa gobyerno ay nakatuon sa “pagpatay ng apoy” na dala ng iba’t ibang problema sa sektor ng agrikultura tulad ng problema sa suplay ng asukal at pataba.

Sa ngayon, inuuna ng administrasyong Marcos ang pagtiyak sa sapat na pagkain at paglago pagkatapos ng pandemya.

Ipinagmamalaki rin ni Marcos na ipinakita sa mundo na ang Pilipinas ay “nakatayo sa sarili nitong mga paa” sa kanyang pagdalo sa ika-77 sesyon ng United Nations Ge­neral Assembly (UNGA) sa New York.

vuukle comment

MARCOS 100

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with