^

Police Metro

LTO target tapusin sa 6 buwan ang kalahati ng 11 milyon plate backlog

Angie dela Cruz - Pang-masa
LTO target tapusin sa 6 buwan ang kalahati ng 11 milyon plate backlog
Car owners and dealers show license plates released at the main office of the Land Transportation Office in Quezon City yesterday. Over 200,000 plates for vehicles registered from July 2016 are set to be released.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Sa loob ng anim na buwan ay target ni Land Transportation Office (LTO) Assistant Secretary Teofilo Guadiz III na tapusin ang kalahati ng 11 milyong plate backlogs at kabilang ang mga plaka na dapat sana’y natapos na mula 2016.

“Ang timeline ko rito mga six months baka matugunan na ang kalahati nitong mga plakang hindi pa nade-deliver sa mga bumibili ng sasakyan,” aniya.

Kaugnay nito, inihayag ni Guadiz na dodoblehin ng ahensya ang manpower nito sa plate-making plants sa ikakasang 24-hour ­operation at maga-outsource ng iba pang manufacturer.

Nauna nang sinabi ng LTO na kailangan nito ng P6.8 bilyon para matapos ang backlog sa license plate production.

Kinokonsidera rin ng LTO ang pagkakasa ng online transaction sa vehicle registration at renewal ng driver’s license upang maibsan ang pisikal na interaksyon.

Target din umano ng LTO ang mas mababang fees para sa serbisyo nito.

LTO

PLATE NUMBER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with