^

Police Metro

P1.4 bilyon pondo hanap ng DOTr sa pagpapatuloy ng ‘Libreng Sakay’ program

Malou Escudero - Pang-masa
P1.4 bilyon pondo hanap ng DOTr sa pagpapatuloy ng âLibreng Sakayâ program
Commuters queue for free bus rides from Philcoa to Cubao in Quezon City on March 30, 2021 due to limited public transportation amid the enhanced community quarantine.
The STAR / Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Para maipagpatuloy ang “Libreng Sakay” program para sa rutang Epifanio de los Santos Avenue (Edsa) bus carousel hanggang sa katapusan ng taon ay naghahanap na  ang Department of Transportation (DOTr) ng karagdagang P1.4 bilyon.

Inamin ni DOTr Secretary Jaime Bautista sa Laging Handa press briefing na hindi sapat ang kasalukuyang budget para sa libreng sakay kung palalawigin ito hanggang Disyembre 31.

Sinabi ni Bautista na hihiling sila ng karagdagang pondo sa Department of Budget and Management at ng tulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Matatandaan na inaprubahan ni Marcos ang pagpapalawig ng programang libreng sakay sa Edsa carousel at libreng sakay para sa mga mag-aaral sa Metro Rail Transit-3 (MRT-3), Light Rail Transit-2, at Philippine National Railways.

Layunin ng hakbang ni Marcos na matulungan ang mga mamamayan sa gitna ng pagtaas ng presyo ng gaso­lina at mga pangunahing bilihin.

DOTR

EDSA

FREE RIDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with