5,000% pagtaas sa mass gathering violations naitala
MANILA, Philippines — Nanawagan si Interior Secretary Eduardo Año ng mas mahigpit na implementasyon ng COVID-19 protocols bunsod ng mabilis na pagsirit ng mga paglabag sa iba’t ibang bahagi ng bansa kabilang na ang mass gathering offenses na umakyat na sa 5,469%.
Binigyan na ni Año ng direktiba ang Philippine National Police (PNP) at local government units (LGUs) na mas istrikto pang ipatupad ang health protocols.
Tiniyak ng DILG chief na hindi papayagan na magkakaroon muli ng COVID surges or spikes sa bansa kahit na meron pong projection or prediction na maaari pong sumipa ang COVID sa susunod na mga buwan or linggo.
Nabatid na mula Abril 15 hanggang 24 lamang ay nakapagtala na sila ng 724 mass gathering violations o pagtaas ng 5,469%, kumpara sa 13 insidente lamang noong nakaraang linggo.
Tumaas rin naman ang no physical distancing violations sa 9,057 o 201% pagtaas mula sa 3,002 lamang noong nakaraang linggo.
Ang hindi pagsusuot naman ng face masks ay naitala sa numerong 84,969, o 196% increase mula sa dating 28,622 lamang.
Ayon kay Año, sa ngayon ay wala namang lugar sa bansa ang nakasailalim pa sa granular lockdown ngunit nagpahayag ng pagkabahala sa posibleng pagtaas ng mga bagong kaso ng sakit dahil sa dumaraming bilang ng mga protocol violations.
- Latest