Anakpawis Party-list nominee, inaresto
MANILA, Philippines — Dahil sa hinihinalang may ugnayan sa komunistang grupo, inaresto ng mga awtoridad ang isang lider magsasaka na nominee ng Anakpawis Party-list sa Bayombong, Nueva Vizcaya nitong Biyernes ng gabi.
Kinilala ang dinakip na si Anakpawis Party-list 4th nominee at Cagayan Valley coordinator na si Isabelo Adviento. Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi nang maaresto si Adviento habang kumakain sa isang kilalang fastfood chain sa Bayombong.
Noong Disyembre 2020 ay ni-raid na rin ng PNP operatives ang bahay ni Adviento sa Baggao, Cagayan. Gayunman, pinalaya ito ng korte dahil sa kakulangan umano ng matibay na ebidensya.
Umalma naman ang Anakpawis sa pagsasabing biktima ng “red tagging” si Adviento.
Itinanggi rin ni Adviento ang alegasyon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na isa siyang recruiter ng teroristang New People’s Army (NPA).
- Latest