^

Police Metro

Pitmaster, Philippine Marines sanib-pwersa sa Odette relief distribution

Mer Layson - Pang-masa
Pitmaster, Philippine Marines sanib-pwersa sa Odette relief distribution
Katuwang ng Pitmaster ang Philippine Marines sa paghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.

MANILA, Philippines — Upang mabilisang maihatid ang mga kinakailangang ayuda sa mga biktima ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao Region ay naki­pag-ugnayan ang Pitmaster sa Philippine Marines 72nd Marangal Batallion.

“Personal kong sinilip ang mga dinaanan ni Odette at maraming kalsada ang sira o lubog sa tubig kaya naisip namin na humingi na ng tulong ng AFP,” wika ni Pitmaster Foundation Executive Director Caroline Cruz.

Ani Cruz, “Hindi lang sa pag-transport ng relief goods ng Pitmaster kundi malaking tulong din ang Marines sa pagre-repack ng mga pagkain at hygiene kits para sa initial target namin na 100,000 families sa Surigao, Bohol, Negros at Palawan.”

“Pero dahil patuloy ang paghingi ng tulong ng LGUs sa aming chairman na si Charlie ‘Atong’ Ang, expected namin na madagdagan pa ang 100,000 families na bibigyan ng ayuda within the next few days,” dagdag pa ni Cruz.

Bagama’t walang binibigay na halaga si Cruz hinggil sa kanilang kasalukuyang relief ­operations, ayon sa ilang importante, umaabot na raw sa P45 milyon ang halaga ng mga bigas, delata, at mga personal hygiene kits na laman ng bawat relief packs para sa mga pamilya na nasalanta ng bagyo.

Napag-alaman din na sa Cebu City ang magi­ging main relief distribution center ng Pitmaster dahil nasa gitna ito ng bansa at mas malapit sa Mindanao at Palawan.

RELIEF OPERATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with