^

Police Metro

Mister hinalo ang shabu sa ulam ng inmate na misis, kalaboso

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasama na ni misis sa kulungan ang kanyang mister matapos makita ang shabu na hinalo sa dala nitong ulam para sa kanyang misis, naganap sa Quezon City Police District (QCPD) Kamuning Police Station 10.

Kinilala ang nadakip na si Jules Guinto, 49, welder, nakatira sa No. 47 Miyerkules St., Landcom Village Sta. Mesa Maynila.

Base sa ulat, alas-5:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng nasabing police station nang dalawin ng suspek ang nakapiit nitong misis para dalhan ng pagkain.

Subalit nang inspeksyu­nin ni P/Cpl Reymark Rigor ang dalang ulam na nakalagay sa tupperware ay tumambad ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu dahilan upang siya ay agad arestuhin.

vuukle comment

INMATE

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with