Drug lord namatay sa Bilibid
MANILA, Philippines — “I have just been informed that Vicente Sy has died... But I still have to receive a formal report about it.”
Ito ang pagkumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa pagkamatay ng drug lord na si Sy sa loob ng New Bilibid Prisons Hospital sa Muntinlupa City dahil sa atake sa puso.
Nabatid na mula sa New Bilibid Prison (NBP), inilipat si Sy sa Philippine Marine Corps BuCor Extension Facility sa Taguig City noong 2019.
Nitong Hulyo 27, nakaranas siya ng hirap sa paghinga kaya dinala siya sa Philippine Marine Naval Hospital kung saan siya na-revive at saka ibinalik sa kaniyang selda.
Nitong Hulyo 29, dumanas ng stroke si Sy kaya dinala siya sa NBP Hospital kung saan siya tuluyang nalagutan ng buhay dakong alas-8:00 ng gabi.
Nakulong sa NBP si Sy noong Disyembre 14, 1999 at kabilang sa tinawag na “Bilibid 19” na tumestigo laban kay Senador Leila de Lima sa mga kaso sa iligal na droga.
- Latest