^

Police Metro

P38.1 milyong halaga ng mga puslit na yosi nasabat

Danilo Garcia - Pang-masa
P38.1 milyong halaga ng mga puslit na yosi nasabat
Ayon sa BOC, ang shipment, na naglalaman ng 1,090 master cases ng sigarilyo, na may iba’t ibang brands gaya ng Marvel, Mighty, at Astro, ay naka-consigned sa Green Nature Alliance Ventures.

MANILA, Philippines — Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Manila International Container Port (BOC-MICP) sa isang operasyon noong Biyernes ang nasa P38.1 milyon halaga ng mga puslit na sigarilyo.

Ayon sa BOC, ang shipment, na naglalaman ng 1,090 master cases ng sigarilyo, na may iba’t ibang brands gaya ng Marvel, Mighty, at Astro, ay naka-consigned sa Green Nature Alliance Ventures.

Sinabi ni Alvin Enciso, hepe ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP), na ang naturang shipment ay isinailalim nila sa 100% physical examination matapos na isyuhan ng pre-lodgment control order (PLCO) ni MICP District Collector Romeo Allan R. Rosales.

Nabatid na sinimulan ng BOC ang implementasyon ng PLCO simula nang manungkulan si Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

Aniya, dapat itong gamitin bilang instrumento o tool para matiyak na ang tamang pamamaraan sa valuation ng mga goods ay naoobserbahan.

Ang MICP, na nananati­ling nasa forefront ng border security sa bansa, ay nananatiling committed sa pagsusumikap na mapatigil na ang pagpasok ng mga smuggled goods.

SMUGGLED CIGARETTES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with