^

Police Metro

Marcos: Pista ng Nazareno gawing inspirasyon

Gemma Garcia - Pang-masa
Marcos: Pista ng Nazareno gawing inspirasyon
Dinumog kahapon ng libong deboto ang imahe ng Jesus Nazareno sa pagdaan nito sa Palanca Street, Quiapo, Manila. Nag-umpisa ang martsa sa Quirino Grandstand para dalhin ang imahe sa Simbahan ng Quiapo.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — “Gawing inspirasyon ang selebrasyon ng kapistahan para pairalin ang malasakit sa kapwa at magtiwala para sa mas magandang bukas.”

Ito ang mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa selebrasyon ng kapistahan ng Poong Nazareno kahapon kung saan libu-libong mga deboto ang nakilahok sa selebrasyon.

Sinabi ng Pangulo na habang libu- libong deboto ang naglalakad ng walang sapin sa paa kasabay ang dasal at sakri­pisyo, ipinapaala aniya na walang mabigat na pasanin o suliranin kung dinadala ito ng may kasamang pananampalataya.

Nakiisa ang Presidente sa libu-libong mga debotong Katoliko sa pag-obserba sa kapistahan ng Poong Nazareno kung saan inihayag nito na ipinakita ng bawat isa ang pagkakaisa at pakikipag-kapwa tao.

Hangad ng Pangulo sa bawat deboto ang makabuluhang selebrasyon at isabuhay sa kanilang araw-araw na mga ginagawa ang mga natutunang aral sa Poong Nazareno na pagkakaroon ng pag-asa, maging tagapa­mayapa at pagtulong para sa ikagaganda ng lipunan.

POONG NAZARENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with