^

Police Metro

Vic Sotto nagsampa 19 counts ng cyberlibel

Ludy Bermudo - Pang-masa
Vic Sotto nagsampa 19 counts ng cyberlibel
Vic filed 19 counts of cyberlibel against Yap after he was mentioned in his upcoming movie “The Rapists of Pepsi Paloma.”
Photos by Russell Palma/The Philippine STAR

Laban sa director ng Pepsi Paloma movie…

MANILA, Philippines — Pormal na naghain kahapon sa Muntinlupa Prosecutor’s Office ng reklamong 19 counts ng cyber libel ang beteranong movie at TV personality na si Vic Sotto laban sa director ng pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma” na naglabas ng teaser na bumanggit sa kaniyang pangalan.

Kasama ni Vic ang maybahay na si Pauleen Luna at legal counsel na si  Atty. Enrique Dela Cruz na unang nagtungo sa Muntinlupa Regional Trial Court para ihain ang Writ of Habeas Data at kasunod ang paghahain ng reklamong cyberlibel  sa prosecutor’s office.

“Labing siyam na beses po na nagpahayag o nagpost ng mapanirang imputation ‘yung res­pondent kaya po 19 counts,” ani Dela Cruz.

Nilinaw din ni Atty. Dela Cruz na sasampahan din ng hiwalay na reklamo ang mga nag-share ng post ni Direk Darryl.

“Pero sa kasong criminal, ang may kaso lang dito ay si Mr. Darryl Yap,” dagdag ni Dela Cruz.

Kusang naghayag si Vic ng reaksyon sa pagsasabing: “Marami pong nagtatanong kung anong reaction ko noong lumabas itong issue. Ako’y nanahimik. Wala naman akong sinasagot…. Ito na po yun. Ito na po yung reaction ko. Sabi ko nga eh, ito’y walang personalan ito. I just trust in the justice system. Ako’y laban sa mga iresponsableng tao lalo na pagdating sa social media.”

Iginiit ng aktor na walang consent o kumunsulta sa kaniya tungkol sa nasabing pelikula at si Pauleen lamang ang nakapagsabi sa kaniya.

Kaagad namang ini­utos ng Muntinlupa Regional Trial Court na alisin ang trailer ng nasabing pelikula sa social media kaugnay sa inihaing Writ of Habeas Data ni Sotto.

Kabilang sa nasapul na eksena sa teaser ang dialogue sa aktres na si Gina Alajar,kung saan nabanggit ang pangalang Vic Sotto sa pagtatanong nito sa gumaganap na Pepsi Paloma kung ni-rape siya at sinagot nito ng “oo”.

Ngayong taon inaasahan ang pag-release ng nasabing pelikula na naglalarawan ng buhay ng namayapang si Palo­ma, na sumikat noong dekada 80.

VIC SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with