Pagbubukas ng sinehan, iniliban ng mall operators
MANILA, Philippines — Ipinagpaliban kahapon ng mall operators ang pagbubukas ng kanilang mga sinehan kahit pa pinayagan na ng gobyerno partikular na ang mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ).
Magugunita na nag-isyu ang Department of Trade and Industry ng Memorandum Circular No. 21-08 kung saan pinapayagan ang mga sinehan na mag-operate nang hanggang 25% venue capacity.
Hindi rin pahihintulutan ang pagkain at pag-inom sa loob ng sinehan at dapat ding manatiling suot ang face mask sa lahat ng oras.
Isa na sa nagdesisyong hindi muna magbukas ay ang SM Supermalls.
“SM Cinemas will work closely with the LGUs on our reopening. We are prepared to open with strict safety standards for all customers. We will follow the LGU’s seat gap and capacity policies, keep face masks and shields on at all times, and deep cleaning done after every screening,” lahad ni Steven Tan, presidente ng SM Supermalls.
Ganoon din ang Ayala Malls habang naghihintay pa ng approval ng LGUs.
“We will follow DOH-IATF (Department of Health-Inter-Agency Task Force) guidelines and final LGU approval for cinema operations,” panig naman ng Robinsons Malls.
Naghihintay pa rin ang Araneta City management ng anunsyo at pagpayag mula sa Quezon City government.
- Latest