P13 bilyong ipamamahagi ng gobyerno sa mga nawalan ng trabaho
MANILA, Philippines — Ipamamahagi ng gobyerno ang nasa P13 bilyon na nakapaloob sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan II sa mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.
Ito ang sinabi ni Department of Labor and Employment Undersecretary Joji Aragon at magsisimula ang pamamahagi ng cash assistance sa unang linggo ng Nobyembre.
Ang pondo ay ibinigay ng Department of Budget and Management (DBM) sa mga regional offices sa 16 rehiyon.
Nasa 993,432 manggagawa ang maghahati-hati sa P5 bilyon sa ilalim ng COVID Adjustment Measures Program.
Sa ilalim naman ng TUPAD emergency employment, P6 bilyon ang inilaan para sa 863,867 workers na nasa informal sector. Kabilang sa mga ito ang mga naapektuhan sa mga karinderya, mga nagtutulak ng mga kariton at mga nagtitinda ng taho.
Nasa P2 bilyon naman ang inilaan sa AKAP o Abot-Kamay ang Tulong na inilaan para sa 200,000 na apektadong overseas Filipino workers.
- Latest