^

Police Metro

Chinese timbog sa underground medical clinic

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Arestado ang isang Chinese national na iligal na nagpapatakbo ng klinika sa loob ng kanyang condominium unit at nasamsam ang tinatayang P6 milyong halaga ng Chinese medicine naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Poblacion, Makati City.

Kinilala ang naarestong suspek na si He Pian Yun, 58 sa kaniyang klinika sa 506, 5th flr ng Oyo 196 Destiny hotel na matatagpuan sa No. 4471 Mariano St., Brgy. Poblacion.

Ayon kay Makati Police Assistant Chief of Police for Operations (ACOPO) Tyrone Valenzona, isinagawa nila ang raid, alas-9:00 ng gabi sa tulong ng mga tauhan ng Makati Business Permit and Licensing Office (BPLO).

Ginagamit ng suspek ang kaniyang unit sa surgical procedures sa kaniyang mga kliyenteng kapwa Chinese national na karamihan ay  Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) workers at nagbebenta rin ng mga Chinese medicines at health products.

Kinumpirma rin ng Makati BPLO na ang naturang clinic ay walang ‘permit to operate’ sa condominium unit habang isinasagawa naman ang appointment sa pamamagitan ng mobile application na “We Chat.”

vuukle comment

MEDICAL CLINIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with