Pahayag ni Pope Francis ‘di doktrina ng Simbahang Katoliko
MANILA, Philippines — Hindi pa doktrina ng Simbahang Katoliko ang naging pahayag kamakailan ni Pope Francis kaugnay ng civil union ng same sex couples.
Ito ang pahayag ni Fr. Francis Lucas, pangulo ng Catholic Media Network at personal na opinyon lamang ni Pope Francis ang binitiwang pahayag at hindi pa isang opisyal na doktrina ng Vatican.
Tinutukoy ni Lucas ang sinabi ng Santo Papa sa dokumentaryong “Francesco” na kailangang magkaroon ng mga ‘civil union law’ ang mga bansa para mabigyan ng proteksyong legal ang ‘same sex’.
Matibay ang paninindigan umano ng Simbahang Katolika laban sa ‘same sex marriage’ ngunit iginagalang naman nila ang dignidad ng mga ‘homosexuals’.
Maaaring maging bukas naman umano ang Simbahang Katoliko sa ‘same-sex civil unions’ lalo na sa usaping legal ngunit hindi ang pagkakasal sa simbahan.
- Latest