^

Police Metro

P6 milyong reward sa utak ng Jolo bombing

Doris Franche - Pang-masa
P6 milyong reward sa utak ng Jolo bombing
Kasalukuyang hina­hanap ng mga otoridad si Abu Sayyaf Group subleader Mundi Sawadjaan na pinagsususpetsahang utak sa kambal na pagsabog sa nasabing lugar.
(Photos courtesy of the 11th Division and Joint Task Force Sulu) | via Roel Pareño

MANILA, Philippines — Nagpalabas ng P3 milyon pabuya si Zamboanga City Mayor Beng Climaco sa sino man na makapagtuturo sa mga mastermind at sangkot sa kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu noong Agosto 24.

Kasalukuyang hina­hanap ng mga otoridad si Abu Sayyaf Group subleader Mundi Sawadjaan na pinagsususpetsahang utak sa kambal na pagsabog sa nasabing lugar.

Ganitong halaga rin ang ipinatong sa ulo ng mga opisyal kay Indonesian national Andi Baso na kasabwat sa pagpapasabog nagdulot ng pagkamatay 15 indibidwal.

Maliban sa dalawang opisyal, pinaghahanap na rin ang Indonesian national na si Reski Fantasya aka Cici na asawa ni Baso at pinagsusupetsahang suspek sa Jolo cathedral bombing noong 2019,pero hindi tinukoy kung magkano ang pabuya rito.

Nagbabala rin sa publiko si Climaco sa posibleng pag-atakeng muli ng mga nasabing indibidwal.

Una nang ibinunyag ng mga otoridad na sila ay nasa hot pursuit sa Abu Sayyaf bomb expert na si Mundi Sawadjaan kasunod ng nasabing pagsabog

Ito ay nagresulta sa pagkamatay ng dalawang miyembro ng Abu Say­yaf nitong Sabado, Agosto 29 sa ganap na alas-9:45 ng umaga sa Patikul, Sulu. - Rhoderick Beñez -

vuukle comment

JOLO BOMBING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with