Tik Tok hindi iba-ban sa Pinas - Malacañang
MANILA, Philippines — Walang balak ang Malacañang na tumulad sa ibang bansa na ibina-ban na ang sikat na Chinese mobile application na Tik Tok.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang dahilan para gawin ang pag-ban ng Tik Tok sa bansa.
Nauna nang nagpatupad ng ban sa nasabing Chinese application ang India at balak din ni US President Donald Trump na gayahin ito.
Kabilang si Roque sa mga nakiuso at sumayaw gamit ang Tik Tok.
Nilinaw din ni Roque na kahit isang website ay walang pinapasara si Pangulong Rodrigo Duterte.
“Sa mga nagsasabi na nanunupil si Presidente ng karapatan ng malayang pananalita, wala pong kahit anong website na bina-ban ang Presidente,” ani Roque.
- Latest