Maliliit na private schools nakaambang magsara
MANILA, Philippines — Kapag hindi tinulungan o pinondohan ng gobyerno ang mga maliliit na private schools ay posible itong magsara sa hinaharap.
Ito ang sinabi ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. at House Majority Leader Bernadette Herrera at hiniling sa Department of Labor and Employment, Department of Finance at DepEd na tulungan sa pamamagitan ng COVID-19 financial aid ang mga mga guro at staff.
“These private schools employ about 500 thousand nationwide according to their associations. They are in neighborhoods the public schools do not reach. They are mostly kindergartens and missionary schools of local churches and mosques,” ani Herrera. Idinagdag pa nito na madaragdagan ang mga mawawalan ng trabaho kapag hindi umaksyon ang pamahalaan para sagipin ang mga maliliit na mga pribadong eskuwelahan.
- Latest