^

Police Metro

Go muling inihirit ang pagbuo ng Department of OFWs

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil kabilang ang daan-daan libong overseas Filipino workers (OFWs) na lubhang apek­tado ng COVID-19 pandemic, mu­ling nanawagan si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na madaliin na ang pagbuo sa Department of Overseas Filipino Workers (DOFWs).

Sinabi ni Go na kung may sariling kagawaran para sa mga Filipino na nagtatrabaho sa ibang bansa, mas matututukan ang kanilang mga panga­ngailangan at agad silang maseserbisyuhan.

Nakalipas na ang mahi­git isang taon nang lumusot sa Kamara ang bersyon ng panukala at simula noon ay nakabinbin na ito sa Senate Committee on Labor.

Layon ng panukala na mapag-isa na sa isang kagawaran ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno na ang mga mandato ay may kinalaman sa kapa­kanan ng mga Filipino sa ibang bansa.

Pansin ni Go, kulang ang koordinasyon ng mga ahensya kayat nahihirapan pa ang OFWs sa pag-asikaso sa kanilang mga kailangan.

Pagdidiin ng senador, lubhang napakahalaga na may kagawaran para sa mga OFW para agad din nakakatugon ang gobyerno sa tuwing may krisis na lubhang nakaka-apekto sa kanila.

CHRISTOPHER LAWRENCE GO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with