COVID-19 testing centers sa Mindanao, dagdagan
MANILA, Philippines — Isang kongresista ng Mindanao ang nagpasaklolo na sa Deparment of Health (DOH) para tulungan ang mga local government unit (LGUs) dito na magtayo ng karagdagang coronavirus disease 2019 (COVID-19) screening centers.
Ayon kay House Deputy Majority Leader at Zamboanga Sibugay Rep. Wilter Wee Palma II na ang kakulangan ng mga testing centers ay nagreresulta sa maraming kaso ng COVID 19 sa bansa.
Ayon sa mambababatas, ang lahat ng mga regional hospitals sa Mindanao ay dapat ma-otorisa bilang testing centers upang matulungan din ang mga Mindanaoan at maging ang pamahalaan na matugunan ang malaking problema sa COVID 19.
Sa kasalukuyan, ang Zamboanga City Medical Center (ZCMC) ay ang tanging tertiary DOH-retained hospital sa Region IX na may nakabimbing aplikasyon sa DOH para maging pasilidad sa COVID 19 testing sa Zamboanga Peninsula.
Dahil wala pang otorisadong testing centers ang mga residente ng Region IX ay umaasa lamang sila sa Armed Forces of the Philippines (AFP) C130 para ibiyahe ang mga swab samples sa Manila para madala sa testing centers ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City.
- Latest