^

Police Metro

Mga security ni VP Sara, pinalitan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

Bagong pulis, sundalo - Brawner

MANILA, Philippines — Pansamantalang papalitan ang Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) ng mga bagong military at police personnel.

Ito ang sinabi kahapon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Romeo Brawner Jr. upang masiguro ang epektibong seguridad ni Vice President Sara Duterte.

“The reason why we are doing this is because we received a subpoena from [the] Philippine National Police. Iimbestigahan yung mga members ng VPSPG. Hindi pa namin alam yung specifics ng kaso or yung investigation,” wika ni Brawner.

Idinagdag pa ni Brawner na hindi ibig sabihin na may subpoena sila ay hindi nila kayang gampanan yung tungkulin nila na protektahan ang seguridad ng Bise Presidente kaya’t sila ay pansamantalang inalis at palitan ng bago.

Una nang nagpadala ang PNP ng 25 pulis sa VPSPG sa posibleng pag-recall ng military personnel mula sa nasabing unit.

Sinabi naman ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na humiling ang AFP ng police personnel para sa seguridad ng mga Duterte dahil sa posibleng pagtanggal sa ilang AFP personnel na nakatalaga sa VPSPG.

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with