^

Police Metro

Nalikom na P1.6 bilyon ng ‘Project Ugnayan’ ipamamahagi sa mahihirap

Pang-masa

MANILA, Philippines — Umabot na sa P1.6 bil­yon ang total ng “pledge donations” na “in cash” at “in kind” ng Project Ugnayan, na binubuo ng mga top business groups sa kooperasyon ng Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF) at Caritas Manila.

Sinabi ni Guillermo M. Luz., Project Spokesperson at Chief Resilience Officer ng Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF) na ang layunin ng proyekto ay mapagkalooban ng P1,000 halaga ng grocery vouchers  ang mga mahihirap na pamilya na hindi makapagtrabaho dahil sa ipinatutupad na “enhanced community quarantine” na kung saan sa nakalipas na 10 araw ay nakapag-distribute na sila ng mahigit 218,119 mahihirap na pamilya sa Metro Manila na pinamahalaan ng Caritas Manila.

Ang “first wave” ng donasyon na natanggap ng Ugnayan Project ay mula sa  Aboitiz Group, ABSCBN/First Gen, Alliance Global Group & Megaworld, Ayala Corporation & Zobel Family, AY Foundation & RCBC, Bench/Suyen Corp, Century Pacific, Concepcion Industrial, DMCI Group of Companies, Gokongwei Group of Companies/Robinsons Retail Holdings, ICTSI, Jollibee, Leonio Group, Mercury Drug Corporation, Metrobank, Nutri-Asia, Oishi/Liwayway Marketing Group, PLDT/Metro Pacific Investments Corporation, Puregold, Ramon S. Ang & Family, SM/BDO, Sunlife of Canada at Unilab.

PHILIPPINE DISASTER RESILIENCE FOUNDATION

PROJECT UGNAYAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with