^

Police Metro

2 komite sa Kamara makokolekta ang P46 bilyong utang ng power firms

Joy Cantos - Pang-masa
2 komite sa Kamara makokolekta ang P46 bilyong utang ng power firms
Itinuloy kahapon nina House Committee on Public Accounts and Accountability Chairman Anakalusugan Rep. Mike Defensor at House Committee on Good Go­vernment Chairman Bulacan Rep. Jonathan Sy-Alvarado ang imbestigasyon nito sa P95 bilyon utang ng mga power firms sa gobyerno, subalit kapansin-pansing hind sumali dito ang komite ni Velasco.
STAR/File

MANILA, Philippines — Walang nagawa si House Committee on Energy Chairman Marinduque Rep. Lord Allan Velasco nang magawang makakolekta ang House Committee on Public Accounts and Public Accountability at House Committee on Good Government ng P46-B na utang ng mga power firms mula sa Power Sector Assets and Liabilities Ma­nagement (PSALM).

Itinuloy kahapon nina House Committee on Public Accounts and Accountability Chairman Anakalusugan Rep. Mike Defensor at House Committee on Good Go­vernment Chairman Bulacan Rep. Jonathan Sy-Alvarado ang imbestigasyon nito sa P95 bilyon utang ng mga power firms sa gobyerno, subalit kapansin-pansing hind sumali dito ang komite ni Velasco.

Una nang inimbitahan nina Defensor at Sy-Alvarado si Velasco na makiisa sa imbestigasyon matapos na rin ilutang ni Surigao Rep Johnny Pinentel na ang House Committee on Energy ang siyang may hurisdiksyon na mag-imbestiga sa utang ng mga power firms,subalit “no show” naman ito sa ikatlong pagdinig kahapon.

Ang komite ni Velasco ang may oversight power sa PSALM at sa buong power generation industry,subalit may 4 na taon na itong chairman ng komite ay hindi umano nagsagawa ng imbestigasyon sa isyu ng isang power firm na may utang sa gobyernong P24 bilyon.

Una nang sinabi ni Defensor na hindi na nila hihintayin na umaksyon si Velasco kung may personal itong kadahilanan subalit hindi mapipigilan ang kanilang komite na habulin ang mga power firms.

Inaasahan nilang makakolekta ng P46-B na magagamit ng gobyerno sa mga priority programs nito kasama na ang pandagdag pondo sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Alinsunod sa charter ng PSALM ang corporate life nito ay magtatapos sa 2026 kaya naman sinabi ni Defensor na hindi kailangang manahimik ng Kamara sa isyu at habulin ang mga may utang na power firms.

vuukle comment

POWER SECTOR

UTANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with