5 Nigerian arestado sa kidnapping
Kababayan dinukot
MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang 5 Nigerian nationals na umano’y nangidnap ng kapwa kababayan sa Angeles City,Pampanga.
Kinilala ni PRO3 Director PBGen. Redrico Maranan ang limang arestadong Nigerian nationals na sina Evans Enwwereaku Chinemerem; David Chidera Ibegbulamo; Nwokeke Christian Ihechukwu; Nwokeke
Cajothan Chinemmerem; at Okonkeo Emmanuel Kosiso, pawang mga residente ng Angeles City, Pampanga.
Ang mga suspek ay naaresto sa pangunguna ng mga operatiba ng PNP-Anti Kidnapping Group kasama ang mga tauhan ng Mabalacat City at Angeles City Police, sa ginawang rescue operation sa Brgy. Malabanias, Angeles City pasado alas-5:00 ng madaling araw.
Ang rescue operation ay isinagawa base sa report na nakuha ng PNP AKG sa kung saan dinala ang biktima na kinilalang si Kingsley Chukwuemeka Ikeagwuana, Nigerian national,estudyante at nakatira sa Urban Resort Residences, Parañaque City.
Nakumpiska ng mga otoridad ang tatlong baril, dalawang Cal .45 na may bala at magasin at isang Cal .38 revolver na may bala.
Ang mga suspeks ay kakasuhan ng Kidnapping for Ransom (KFR) at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
- Latest