Marcos admin top performing cabinet officials - RPMD
MANILA, Philippines — Sa pinakabagong “Boses ng Bayan” performance assessment ng RPMD Foundation Inc. (RPMD) ay pinangalanan ang mga nangungunang miyembro ng gabinete ng administrasyon ni Marcos.
Nanguna si dating DILG Sec. Benhur Abalos Jr. na nakakuha ng mataas na 95.8% job performance score; DSWD Sec. Rex Gatchalian-93.5%, at DOT Sec. Christina Garcia-Frasco-92.7%.Pumangatlo si DBM Sec. Amenah Pangandaman-89.4%;DOJ Sec. Boying Remulla-87.3%, at ikalima si SolGen Menardo Guevarra-85.6%.
Top performing officials naman sina Sec. Ivan John Uy (DICT)-83.4%, at Sec. Ralph Recto (DOF)-82.7% na magkasamang pang-anim. Magkatuwang sa ikapitong pwesto sina Sec. Sonny Angara (DepEd) 81.2%, at Sec. Ted Herbosa (DOH) 80.5%. Nasa ikawalong puwesto naman sina Sec. Alfredo Pascual (DTI) 79.7%, Sec. Renato Solidum Jr. (DOST) 78.9%, at Sec. Jerry Acuzar (DHSUD) 78.8%. Magkasama sa ikasiyam na pwesto sina Sec. Manuel Bonoan (DPWH) 77.6%, at Sec. Enrique Manalo (DFA) 77.3%.
Kinukumpleto ang top ten sina Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. (DOA) 76.1%, at Sec. Jaime Bautista (DOTr) na may 75.8%. Pasok naman sa listahan sina Sec. Arsenio Balisacan (NEDA) 75.0%, ES Lucas Bersamin 73.7%, Sec. Gibo Teodoro Jr. (DND) 72.5%, Sec. Bienvenido Laguesma (DOLE) 71.3%, Sec. Hans Leo Cacdac (DMW) 70.1%, at Sec. Raphael Lotilla (DOE) 68.4%, Sec. Conrado Estrella (DAR) 66.8%, at Sec. Antonia Loyzaga (DENR) na may 64.3%. Pinapurihan ni Dr. Paul Martinez, Global Affairs Analyst at Executive Director ng RPMD, ang mga nangungunang opisyal ng gabinete para sa kanilang dedikasyon at mataas na pamantayan sa paglilingkod sa publiko.
- Latest