^

Police Metro

Mga pari pinagsusuot ng face mask sa komunyon

Danilo Garcia - Pang-masa
Mga pari pinagsusuot ng face mask sa komunyon
Nilagdaan nina CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles ang Circular No. 20-10 na naka-address sa mga Obispo at Diocesan Administrators bilang regulasyon ng Simba­hang Katoliko kaugnay ng naturang virus. Inilabas ang kautusan nitong Marso 10.
Mula sa Twitter account ng Quiapo Church

MANILA, Philippines — Bilang bahagi pa rin ng pag-iingat sa posibleng pagkalat ng 2019 coronavirus (COVID-19) ay pinagsusuot na ng facemasks ng Catholic Bishops’ Confe­rence of the Philippines (CBCP) ang mga pari at iba pang ‘communion ministers’ tuwing magsasagawa ng komunyon sa banal na misa.

Nilagdaan nina CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles ang Circular No. 20-10 na naka-address sa mga Obispo at Diocesan Administrators bilang regulasyon ng Simba­hang Katoliko kaugnay ng naturang virus. Inilabas ang kautusan nitong Marso 10.

Bukod dito, pinaalalahanan din ang mga ‘communion ministers’ na mag-sanitize ng kanilang mga kamay bago at pagkatapos magbigay ng komunyon.

Hindi naman inaalis ng CBCP ang patuloy na pagtanggap ng mga ma­nanampalataya ng komun­yon sa pamamagitan ng kanilang kamay. Hindi rin muna lalagyan ng “Holy Water” ang mga lalagyan sa simbahan habang ang mga kum­pisalan ay pinalalagyan ng mga tela sa rehas o grills.

vuukle comment

CBCP

COVID-19

KOMUNYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with