^

Police Metro

Church leader sa financial firms, itigil ang pagpondo sa ‘coal’

Pang-masa

MANILA, Philippines — Umapela ang lider ng Simbahang Katoliko sa Philippine financial ins­titu­tions na tigilan na ang pag­bibigay ng pondo para sa pagpapalawak ng ‘coal operations’ sa bansa at sa halip ay suportahan ang pag-unlad ng ‘renewable energy.’

Inihayag ni Bishop Gerardo Alminaza, ng  Diocese ng San Carlos, Negros Occidental sa ginanap na 3rd Philippine Environment Summit na isinagawa sa Grand Caprice Convention Center sa Cagayan de Oro, ang ‘banks financing coal’ ay hindi lamang ang ‘climate crisis’ ang pinopondohan,  kundi pinahihirapan din nito maging ang mga ‘coal-affected communities.’

Kasabay nito, pinuri naman ng Obispo si Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa naging direktiba nito sa nakaraang State of the Nation Address (SONA) nitong 2019 na pagtuunan at mabilis na subaybayan ang pag-unlad ng ‘renewable energy resources’ at huwag dumepende sa karbon.

Subalit, tila binabalewala umano ito ng iba’t ibang sektor, kabilang ang finance industries.

COAL

GERARDO ALMINAZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with