^

Police Metro

Manyakis naglantad ng ari sa bebot

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kulungan ang binagsakan ng isang lalaki makaraang bigla na lamang niyang ibuyangyang ang kaniyang ari at pilit na ipahawak sa isang dalaga sa gilid ng kalsada sa Makati City kamakalawa ng gabi. 

Kinilala ang inaresto na si Anthony Yape, 23, walang trabaho at residente ng Phase 7, Pac­kage 4, Lot 6, Block 20, Brgy. 176, Caloocan City.

Sa reklamo sa Makati City Police ng biktimang itinago sa alyas Jenny, 23-anyos, accounting assistant, naghihintay siya ng masasakyan dakong alas-10:00 ng gabi sa may Arsonvel Street, Brgy. San Isidro nang lapitan siya ng suspek.

Bigla umanong hi­nablot ng lalaki ang kaniyang kamay at tinangkang ilapit sa kaniyang nakalantad na ari upang pahawakan ito. Nagpapalag ang biktima at itinulak ang suspek na tumakbo palayo.

Tiyempo na may rumorondang tauhan ng Bantay Bayan na hini­ngan ng biktima ng saklolo. Hinabol ng mga tanod ang suspek hanggang sa makorner siya. 

Nabatid na dayo rin lang sa lugar ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 11313 o Safe Spaces Act. 

vuukle comment

MANYAKIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with