25 toneladang karne ng manok, nagpositibo sa ASF
MANILA, Philippines — Umaabot sa 25 toneladang karne ng manok na kontaminado sa African swine flu (ASF) ang nasabat ng mga tauhan ng Manila Veterinary Inspection Board sa Manila Harbour Center.
Kabilang sa mga nasabat ay ang 988 kahon ng chicken pot wrapped, 499 kahon ng chicken with black pepper at 199 kahon ng popcorn chicken na pawang mga galing China.
Sa pagkakadiskubre ng kargamento ay lumabas ang paglabag ng kompanyang Ecosafe Agro Products Manufacturing ni Fernando Cortez na may address na Firstlink Container Yard, Harbour Center, Rd. 10 Vitas, Tondo.
Kabilang sa nilabag ng kompanya ang RA 9296 na inamyendahan ng RA10536 Meat Inspection Code of the Philippines; RA 10611 o Food Safety Act of the Philippines at DA no. 26 series o 2005 at lumalabas din na walang permit para sa meat importation at cold storage.
Nag-isyu na ang local na pamahalaan ng Maynila ng closure order sa nasabing kumpanya dahil sa misdeclaration at nakatakdang sampahan ng kaso ang kumpanya.
- Latest