^

Police Metro

Pinoys sa Libya, pinalilikas

Malou Escudero - Pang-masa
Pinoys sa Libya, pinalilikas
Ayon sa embahada, naligtas nila ang walong Pinoy nurses noong nakaraang Huwebes mula sa clinic na malapit sa nangyayaring labanan.
AFP/Fadel Senna

MANILA, Philippines — Upang makaiwas sa labanan at gagawing pananakop ng puwersa ni Khalifa Haftar sa capital ay hinikayat ng Philippines Embassy ang mga Pinoy sa Tripoli, Libya na lumikas sa ligtas na lugar.

Ayon sa embahada, naligtas nila ang walong Pinoy nurses noong nakaraang Huwebes mula sa clinic na malapit sa nangyayaring labanan.

Tiniyak ng embahada na tutulong sa pag-relocate at pagbibigay ng pansamantalang tirahan sa mga Pinoy at magbibigay din ng tulong ang gobyerno para maibalik sila sa Pilipinas.

Bukod sa mga nur­ses, may nasa 20 Filipino na ang nailikas mula sa Salahuddin District na naninirahan sa kani-kanilang mga kaibigan at kamag-anak.

Nauna nang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na karamihan sa mga overseas Fi­lipino workers (OFWs) sa Libya ay mga nurses o kaya ay mga nagta-trabaho sa mga oil fields.

Wala pa namang naiiulat na nasasawing Pinoy sa nangyaya­ring kaguluhan sa Libya.

GERA

LIBYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with