^

Police Metro

Shellfish sa 19 lugar, bawal kainin

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bawal kainin ang shellfih products mula sa 19 lugar sa bansa.

Ito ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) dahil sa mataas na level ng lason ng red tide na nakita sa mga baybayin batay sa latest water sampling na ginawa ng ahensiya.

Ayon sa BFAR ang mga lugar na bawal kunan, ibenta at kainin ang shellfish products tulad ng tahong, talaba at halaan ay mula sa baybayin ng  Bataan sa Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal gayundin sa  Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City Palawan; Coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City Bohol; Irong-irong, San Pedro at Silanga Bays sa Western Samar; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Cancabato Bay, Tacloban City  Leyte; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Ang mga makakakain ng shellfish na may red tide ay maaaring magsuka, magka-diar­rhea, sumakit ang kalamnan o maaaring ikamatay ng isang tao.

BFAR

SHELLFISH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with