^

Police Metro

2 Nigerian hinoldap ng 2 kababayan

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang Nigerian national ang hinoldap ng dalawa nilang kababayan at tinangay ang halos P1 milyon sa Parañaque City kamakalawa ng madaling araw.

Sa salaysay sa pulisya ng mga biktimang sina Nkechukwu Sunday Promise Ekekwe, 28 at Praise Tochi Okechukwu, 29 na sila ay hinoldap ng dalawa nilang kababayan na sina Onyekachi Nwegwv, 29 at isang alyas Mr. Collins dakong ala-1:30 ng madaling araw sa harapan ng Avida Tower Condominium sa may Brgy. San Dionisio, ng naturang lungsod.

Tinawagan umano siya ni Mr. Collins na nanghihingi ng tulong sa kaniyang pag-aaral dito sa Pilipinas at dahil sa kababayan ay pinuntahan niya ito sa nabanggit na lugar.

Subalit, pagsapit doon ay bigla siyang ipinasok sa loob ng isang Toyota Vios na kotse at tinutukan ng baril.

Aabot umano sa P300,000 ang tinangay sa kaniya ni Mr. Collins at Nwegwv na hindi pa nakuntento ay pinilit­ pa siyang dagdagan ang pera para hindi siya patayin kaya tinawagan niya ang kaibigan na si Okechukwu para mangutang.

Lingid umano sa kaalaman ni Ekekwe, nagawa nang magpadala ni Okechukwu ng 4,651,200 Nigerian Naira o katumbas na P651,366 sa pamamagitan ng We Chat account ng suspek na si Nwegwv.

vuukle comment

NIGERIAN NATIONAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with