Kanselasyon ng ECC ng Atimonan One Energy, hiling
MANILA, Philippines — Naghain ng petisyon ang environmental advocates at mga kinatawan ng komunidad ng lalawigan ng Quezon sa harap ng tanggapang ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang hilingin ang kanselasyon ng Environmental Compliance Certificate (ECC) na ipinagkaloob sa Atimonan One Energy (A1E), dahil umano sa ilang paglabag nito sa ‘environmental and community education requisites.’
Sinabi ni Father Warren Puno, ng Ministry of Ecology, Diocese ng Lucena-Quezon, may apat na planta na ng coal ang kanilang lalawigan na tinatawag nang ‘coal capital’ kaya hindi na nila hahayaan na tayuan pa ito ng isa pang Atimonan One.
Iginiit pa ni Fr. Puno, na 25 taon ang kontrata ng Atimonan One kaya ngayon pa lamang ay puspusan ang kanilang pagharang dahil ang coal power plant na itatayo sa kanilang lalawigan ay hindi lamang ang kalikasan ang sisirain, kundi magiging malaki rin ang epekto nito sa ‘climate change’ sa ating planeta.
- Latest