^

Police Metro

Dalaw kulong din sa droga

Mer Layson - Pang-masa
Dalaw kulong din sa droga

MANILA, Philippines — Swak sa kulungan ang isang 54-anyos na lalaki na dadalaw sana sa kanyang kaibigang babae na nakapiit sa Batasan Police Station (PS-6) sa lungsod ng Quezon matapos magtangkang magpuslit ng 13 sachet ng shabu na itinago niya sa kanyang sapatos, kamakalawa ng gabi.

Ang suspek ay kinilalang si Greg Sanchez, ng Tondo, Maynila.

Ayon kay P/Lt. Col. Joel Villanueva, hepe ng nasabing presinto, dakong ala-6:00 ng gabi nang pigilan ng kanyang mga tauhan ang suspek dahil sa kahina-hinalang nakalagay sa kanyang sapatos.

Agad na pinahubad ng sapatos ang suspek at doon nakuha ang 13 sachet ng droga kaya siya inaresto.

Dadalawin sana ng suspek ang kanyang kaibigan na kinilalang si Ma. Elena Castro, na nadakip ng mga otoridad noong Agosto 5, 2019 dahil din sa iligal na droga.

vuukle comment

DROGA

KULONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with